Sunday, April 15, 2012

Abolish Pork Barrel in the Philippines

ABOLISH PORK BARREL IN THE PHILIPPINES

WHAT IS A PORK BARREL?

ANG PORK BARREL AY PUNDO NA INILAAN NG NATIONAL GOVERNMENT PARA SA MGA MAMBABATAS NG PILIPINAS  TULAD NG KONGRESO AT SENADO.  MINSAN ITONG TINAWAG NA CDF O COUNTRYWIDE DEVELOPMENT  FUND AT MINSAN DIN ITONG TINAWAG NA CONGRESSIONAL DEVELOPMENT FUND.  SA KASALUKUYAN, ITO ANG TINATAWAG NA PDAP O PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND.

ANG PANGALANG PORK BARREL AY SUMIKAT ITO NONG PANAHON NI DATING PRES. CORAZON AQUINO.  TINAWAG ITONG PORK BARREL DAHIL ITO DAW ANG NAGPAPATABA NG MGA MYEMBRO NG KONGRESO AT SENADO SA PAMAMAGITAN NG KICKBACK O COMMISSION.

SA MADALING SALITA, ITO ANG TINATAWAG NA MILKING COW NG MGA MAMBABATAS.  AYON SA PAGSUSURI NG PCIJ OR PHILIPPINE CENTER FOR INVISTIGATIVE JOURNALISM, UMABOT MULA 20 - 40 % ANG COMMISSION NGA MGA MAMBABATAS GALING SA MGA CONTRACTOR NA SYANG NAKAKAKUHA NG KONTRATA SA BAWAT PROYEKTONG PINAGLAANAN NG NASABING PUNDO.

AYON DIN SA NASABING PAGSUSURI, ANG GANITONG KALAKARAN AY KAUGALIAN NA NG BAWAT MAMBABATAS LALONG LALO NA SA MGA MEMBRO NG MABABANG KAPULUNGAN O KONGRESO.  DITO DAW BUMABAWI ANG MGA NASABING CONGRESSMAN SA KANILANG GINASTOS SA BAWAT ELECTION NA SILAY KUMANDIDATO.

NONG PANAHON NI DATING PRES. CORAZON AQUINO, UMABOT SA  25 MILLION PESOS ANG BUDGET BAWAT DISTRITO O KADA CONGRESSMAN.   SA PAGLIPAS NG PANAHON SA KABILA NG MGA BATIKOS AT AKUSASYON DAHIL SA LAGANAP NA KURAPSYON, AY MAS LALONG TUMAAS PA ITO.

SA MGA NAKARAANG ADMINISTRAYON, UMABOT ITO HANGGANG 70 MILYON PESOS BAWAT DISTRITO O KADA CONGRESSMAN AT TIG 200 MILYONG PESO NAMAN BAWAT SENADOR AT HINDI PA KASAMA DITO ANG TINATAWAG NA CONGRESSIONAL ISERTIONS.

AYON SA DEPARTMENT OF BUDGET, UMABOT SA HALOS 20 BILYON PESOS ANG KABUUANG PORK BARREL NA NATANGGAP NG ATING MGA MAMBABABATAS NONG 2011.

KONG MAY BASIHAN ANG PAGSUSURI NA GINAWA NG PCIJ NA UMABOT HANGGANG 40 %  ANG KICKBACK NG MGA CONGRESSMAN SA BAWAT PROYEKTO, IBIG SABIHIN, AABOT SA 8 BILYONG PESO SA KABUUAN ANG NAWAWALDAS NA PERA NG TAONG BAYAN KADA TAON.

KONG SA BAWAT DISTRITO NAMAN ANG PAG UUSAPAN, KAHIT SABIHIN NATIN NA 20 % LANG ANG KICKBACK NI CONGRESSMAN SA BAWAT PROYEKTO NITO, AY MAKAKAKUHA PA RIN SI CONGRESSMAN NG COMMISSION NA HINDI BABABA SA 14 MILYON PESOS BAWAT TAON.  SA LOOB NG KANYANG 3 TAONG TERMINO AY AABOT NG 42 MILYON PESOS ANG PERANG NAPUPUNTA SA BULSA NI CONGRESSMAN NA DAPAT SANA AY PARA SA MGA PROYEKTO AT PROGRAMA.  SAPAT NA ITO PARA PAMBAWI SA KANYANG NAGASTOS SA NAKARAANG ELECTION O PANGGASTOS PARA SA KANYANG REELECTION.

ABOLISH THE PORK BARELL

ANG IMPORMASYONG ITO AY SAPAT NANG DAHILAN KONG BAKIT MARAMI ANG NANAWAGAN NA DAPAT NANG I ABOLISH ANG PORK BARREL.   NGUNIT SA HALIP NA MATUGUNAN ANG NATURANG PANAWAGAN O PANUKALA AY MAS LALO PANG NADAGDAGAN ANG NATURANG PUNDO.


AT KUNG BAKIT, AY MARAMI ANG DAHILAN

1.  BAWAT PANGULO NG PILIPINAS AY KAILANGAN NIYANG SUYUIN ANG SUPORTA NG BAWAT MAMBABATAS PARA MAITAGUYOD NIYA ANG KANYANG NATIONAL  AT PERSONAL AGENDA.   SA MADALING SALITA, ANG PORK BARREL AS ISANG SUHOL NG MGA MYEMBRO NG KAMARA KAPALIT ANG SUPPORTA NG PALASYO. KATUNAYAN NITO AY ANG PAGPILI NG SPEAKER OF THE HOUSE NA TAUHAN NG NAKAUPONG PANGULO.

2.  AYON SA ATING SALIGANG BATAS, MAY KAPANGYARIHAN ANG KONGRESO NA MAG IMPEACH NG PANGULO TULAD NG NANGYARI KAY DATING PANGULO JOSEPH ESTRADA NOONG 2001.  PWEDE DIN ITONG MAG IMPEACH NG ILANG OPISYAL NG GOBYERNO NA HINDI KAALYADO NG PANGULO TULAD NG NANGYARI KAY OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTTUIREZ AT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA.

3.  KARAMIHAN SA MGA MYEMBRO NG KAMARA, AY MYEMBRO DIN NG COMMISSION ON APPOINTMENTS NA SYANG MAGBIGAY CONFIRMATION SA MGA PRESIDENTIAL APPOINTEES TULAD NG MGA CABINET SECRETARIES.

4.  LAGING DINADAHILAN NG MG CONGRESSMAN NA MAHIRAP TANGGALIN ANG PORK BARELL DAHIL ITO DAW  AY PARA DIN SA KANILANG SA MGA CONSTITUENTS AT MARAMI DIN DAW ANG NAKINABANG NITO. KATULAD NG PAGPAPAGAWA NG BASKETBALL COURTS, WAITING SHADES, FLY OVERS OR OVERPASS, HEALTH CENTERS, PAMUMUDMOD NG PHILHEALTH CARDS AT IBA PANG PROGRAMANG PANGKABUHAYAN.


SA LOOB NG MATAGAL NA PANAHON AY PARANG TANGGAP NA NG ATING MGA KABABAYAN NA ANG PORK BARREL AY BAHAGI NA NG ATING SISTEMANG POLITIKAL.

ALTERNATIVE

ANG TANONG NGAYON, AY ANO ANG ATING ALTERNATIBONG SOLUSYON KONG I ABOLISH NATIN ANG PORK BARREL?

 ANG SABI NANG ILANG POLITICAL OBSERVERS, ANG PROBLEMA DAW SA MGA KUMUKONTRA NG PORK BARREL AY WALA RING MAIBIGAY NA ALTERNATIBONG PROGRAMA PARA NAMAN HINDI MAIPAGKAIT SA MGA NASABING CONSTITUENTS ANG MGA BIYAYANG NAIBIGAY NG KANILANG MGA CONGRESSMAN.

KAYA MULA PO SA AKING SIMPLENG PAG IISIP, AKO POY NAKAHANAP NG ISANG PARAAN PARA MATUGUNAN KONG PAPA ANO NATIN MA ABOLISH ANG NASABING PORK BARELL  NA HINDI NAMAN MA PURWESYO ANG MGA NASABING CONSTITUENTS NA SYANG BENIFICIARY NITO.  DAHIL ITO ANG PALAGING GINAGAMIT NA DAHILAN NG MGA MAGAGALING NA CONGRESSMEN NATIN.  ITO PO ANG TINATAWAG NA BARANGGAY DEVELOPMENT FUND.


BARANGGAY DEVELOPMENT FUND

ANO PO BA ANG IBIG SABIHIN NITO?  ANG BARANGGAY DEVELOPMENT FUND AY ANG PUNDO GALING SA NATIONAL GOVERNMENT NA INILAAN SANA PARA SA MGA MAMBABATAS NA KONG TAWAGIN AY PORK BARREL.  SA MADALING SALITA, TATANGGALIN NATIN ANG PORK BARREL GALING SA MGA MAMBABATAS AT ILAAN ITO DERETSO SA MGA BARANGGAY AT MAGIGING BAHAGI NA ITO SA PUNDONG PAMBARANGGAY.

MAAARING ANG UNANG TANONG NA PAPATAK  SA ISIPAN NATIN AY KONG ANO ANG MGA ADVANTAGES AT DISADVANTAGES SA NASABING PROGRAMA.


1.  THE PRINCIPLE OF CHECK ANG BALANCE

SA PORK BARELL, IISANG TAO LANG ANG NAGDEDESISYON KONG ANONG KLASENG PROYEKTO O PROGRAMA ANG DAPAT UNAHIN AT ITO’Y SI CONGRESSMAN LAMANG.   SAMANTALANG KONG ITOY MAPUPUNTA SA BARANGGAY, AY MAS MARAMI ANG MA INVOLVE SA DECISION MAKING.   SA BAWAT BARANGGAY AY MAY ISANG CHAIRMAN AT MAY WALONG MYEMBRO NG KONSEHO KASAMA NA ANG SK CHAIRMAN NA SYANG MAGDEDESISYON O DADAAN SA ISANG DELIBERATION.   SA MADALING SALITA, 9 NA BARANGGAY OFFICIALS  LABAN SA ISANG CONGRESSMAN AY MAS MAIBSAN ANG TENTASYON NG KURAPSYON O ANOMALIYA DAHIL MAS MARAMING MATA ANG NAKATOTOK  SA BAWAT PROYEKTO O PROGRAMANG PINAGLAANAN NG PUNDONG ITO.

2.  VISIBILITY AND AVAILABILITY OF OUR LEADERS

MULA LUNES HANGGANG BYERNES, SI CONGRESSMAN AY NASA KONGRESO PALAGI AT MALAYO SA KANYANG MGA NASABING CONSTITUENTS.   SAMANTALANG SI CHAIRMAN AT ANG KANYANG MGA KAGAWAD AY HALOS ARAW ARAW  MAKIKITA SA BARANGGAY HALL KONG SAAN SYA NAG OOPISINA.  ANG IBIG SABIHIN, MAS ALAM NG MGA BARANGGAY OFFICIALS NATIN ANG PROBLEMANG PAMBARANGGAY KAYSA SA ATING MGA MAGAGALING NA CONGRESSMAN NA NASA MAYNILA PALAGI.

3.  DECENTRALIZATION OF POWER

SA LOOB NG MATAGAL NA PANAHON, ANG KAPANGYARIHAN SA PAGDEDESIYON AY LEMITADO LAMANG SA MGA TAONG NASA ITAAS AT MAKAPANGYARIHAN.  ANG BAWAT CONGRESSMAN SA KADA DESTRITO AY NAGMISTULANG MGA HARI AT ANG MGA BARANGGAY OFFICIALS NAMAN AY NAGMISTULANG MGA ALIPIN O PULUBI.  HALOS LULUHOD AT MAGMAKAAWA SA KANILANG CONGRESSMAN PARA LANG MAKAKAKUHA NG BIYAYA O PROYEKTO GALING SA PUNDONG PORK BARREL.  MALIMIT GINAGAMIT NI CONGRESSMAN ANG KAPANGYARIHANG ITO PARA SA KANYANG PERSONAL AT POLTICAL INTEREST. 

4.  EQUAL DISTRIBUTION OF RESOURCES

KARAMIHAN SA MGA PROYEKTONG GALING SA PORK BARREL AY NAPUPUNTA SA MGA WALANG KWENTANG PROYEKTO AT WALANG KAPAKIPAKINABANG SA TAONG BAYAN.  HANGGANG NGAYON MAY MGA BARANGGAY PA NA HINDI NAKATIKIM NG BIYAYA GALING SA NASABING PUNDO DAHIL UMANO’Y KALABAN SA POLITIKA NI CONGRESSMAN ANG CHAIRMAN NG BARANGGAY.  KARAMIHAN SA MGA PROYEKTONG ITO AY NAPUPUNTA LAMANG SA MGA LUGAR KONG SAAN AY  KAALYADO NI CONGRESSMAN ANG MGA BARANGGAY OFFICIALS.  SA MADALING SALITA, MAY FAVORITISM AT HINDI PANTAY ANG DISTRIBUTION NITO.

5.  BIG FISH VS. SMALL FISH

ALAM NG LAHAT NA MAHIRAP TALAGANG HULIHIN ANG MALALAKING ISDA KAYSA MALILIIT.  KONG SI CONGRESSMAN ANG MAGKASALA, MAHIRAP DAW ITONG MAIPAKULONG DAHIL SA LAWAK NG KANYANG KAPANGYARIHAN AT CONNECTIONS.  KAYA DAW NITONG PAIKUTAIN ANG BATAS.  MAY KASABIHAN TAYO NA THE BEST LAWMAKER IS OFTENTIMES THE BEST LAWBREAKER.  SAMANTALA KONG SI CHAIRMAN O SI KAGAWAD ANG MAGKASALA AY MADALI ITONG MAIPAKULONG DAHIL MGA PIPITYUGIN LANG ITO.


POLITICAL IMPACT ON THE NATIONAL LEVEL

SABI NG MGA POLITICAL ANALYST,  WALANG PANGULO SA PILIPINAS ANG MAGPUPURSIGE NA ISULONG ANG NATURANG PANUKALA DAHIL ISA ITONG POLITICAL SUICIDE.  MAHIRAP DAW KALABANIN ANG KONGRESO AT HANGGANG KAMATAYAN HINDI DAW ITO BIBITAWAN NG MGA MYEMBRO NG KAMARA.  MAARI DAW ITONG MAKAKALUSOT SA SENADO PERO NEVER SA MABABANG KAPULUNGAN DAHIL DITO NANGGAGALING ANG KANILANG PINAGKAKITAAN NG PUNDO PARA SA KANILANG REELECTION.

MAY KASABIHAN TAYO NA ANG PULITIKA AY NUMBERS GAME. KONG SINO DAW ANG MAS MARAMI AY SYANG MANANALO. 
MAYROON LANG TAYONG 250 CONGRESSMEN SAMANTALANG MAY HUMIGIT SA 42,000 ANG BARANGGAY SA BUONG KAPULUAN.
KAYA ITO PO AY ISANG SIMPLENG KALKULASYON LAMANG PARA SA TAGA MALACANANG.  SINO PO BA ANG MAS MARAMI, ANG MGA KONGRESISTA O ANG MGA BARANGGAY OFFICIALS?

NATURAL LAMANG SA ISANG PANGULO NA MAG DALAWANG ISIP NA GAGAWIN ITO DAHIL ITO’Y ISANG MALAKING SUGAL SA KANYANG POSITION.  SINO PO BANG PANGULO ANG GUSTONG MALAGLAG SA PWESTO KONG PWEDE NAMAN ITONG MAIPAGPATULOY NA WALANG KAPAGODPAGOD. 

LAGING BINABANGGIT NG MGA KANDIDATO ANG KATAGANG SILA’Y PARA SA MAHIRAP.   NGUNIT PAGKATAPOS NG ELECTION, KARAMIHAN SA KANILANG GINAGAWA AY TALIWAS SA KANILANG MGA PANGAKO.  KAYA HINAHAMON KO ANG KASALUKUYANG ADMINISTRATION NA ITO NA ANG TAMANG PANAHON NA TUPARIN NYO ANG INYONG MGA PANGAKO. 

SIMPLENG SUHESTYON LANG PO GALING SA ISANG SIMPLENG MAMAMAYAN.  KAHIT AKO POY NASA IBANG BANSA NA, PILIPINO PA RIN ANG AKING PUSO.

MARAMING SALAMAT PO.

NEIL EDWIN WAGAS
CALIFORNIA, U.S.A.
















2 comments:

  1. I was trying to see your 5,000 reviews so I can get perspectives from other people about your blog, but I cant find it, please teach me how to see it?

    Thanks!
    Menchie Poloyapoy

    ReplyDelete
  2. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete